The Second Letter: A sweet poem

           It’s half past eight and I happened to stumble at this poem I made when I was 3rd year high school. Right before you were created, the following poem had sent me to a regional contest somewhere in Cavite, where my heart met a puppy inspiration.

Play this as you read:

Dear Michael,

Ponder on this puppy poem:

Magsisimula tayo sa pag-ibig, tapos tutuloy tayo sa luha, Di gaanong kalakihan ang hakdaw, diba?

Nagtanong ka, masarap kayang umibig? Sinagot ko ang tanong mo, Sabi ko, “oo naman”. Tapos magpapadalos-dalos ka, iilang linggo pa lang kayo, nag-uunahan na ang luha sa pisngi. Iisa lang ang ibig sabihin, …niloko ka nya.

Umuulan na, pa-charming ka pa. Di raw magdadala ng pananggalang, may maghahatid naman. Nag-offer ako, tumawa ka lang. “Ano ba namang sa ‘yo?” Care ko nga ba?, pero hayan, di yata’t umikot ka lang. Gagabihin na, umuwing tumutulo ang damit. “Nasa’n na ang walang hiyang maghahatid sa ‘yo? ”Uy! Absent daw, isang text, lang yuyukod kaagad ang puso.

Di ka ba manhid?, Di ka naman siguro tanga!, pero kung ginagamit mo lang ang utak mo …makikita mo. Absent ka na rin the other day. Bakit??? Namiss mo tuloy ang last exam natin, 1-50 yun, di sya nanghinayang.

Care ko ba ulet.

Kahit itanong ni Prof kung nasaan. Ayun, Sir, maysakit.. “Saan?” Sa puso po.

Kade-kadena nang tinik ang sinayang mong luha. Ang pait na dinanas mo’y walang kapareha. Ano pang hinihintay mo, pag-asa? Sori po, huli na…ngayo’y nagsisisi ka, for what? You deserve what you got naman ah. Teka nga, pansin ko lang ha, bakit ba kanina pa akong nagmumura? Di mo alam kung bakit? Dahil sa dibdib ko ay nakaukit ka, O, ngayon alam mo na. Higit sa kung anu pa man, labis sa pagkakaibigan.

Ngayon, tigang na ang yong daigidig. Wasak na ang yong puso, iga na ang yong luha. Nag-offer ulet ako, “tsk tsk”. “Salamat”, kamo. “Isa ka ngang tunay na kaibigan”. Saan tutuloy? Sa pag-iibigan..

Ang bawat umaga mo’y unti-unting gumagaan, sumisigla. Saan ang pokus? ..sa puso ko namang nasasaktan. Matang nakatitig sa kalangitan, susungkitin daw ang bituin at buwan, “nakup! Eto namang si Lando, ako ay inunahan”, Si Lumen tuloy ang nakinabang. Tatawirin daw kuno ang malawak na dagat…tapos anu pa?, Magpapakamatay dahil sa pag-ibig? Punyeta!

Sa iyong mga tiniis, kabalikat mo ang aking balikat. Masakit mang isipin at damhin, masaya na rin ang aking damdamin. Tumingin ka pa sa paligid, nasa tabi mo lang pala. Humanap ka pa ng iba, nasa likod mo lang pala. Mistula na ngang anghel, di pa napansin. Sa panahong kailangan, saka lang tatawagin. Saka lang dadamayan, kapag puno ang dibdib ng agam-agam.

Lusaw na ang dahong tinigib ng hamog sa inyong kapanahunan. Umulan man kahit bato, andito na ang payong ko, puprotektahan ang yong puso. Hayaan mo ang aking matamis na pagsuyo, na syang pumalis ng pait ng yong bagyo. Hayaan mong lamunin ng hanging amihan, ang bagabag mo sa kalooban.

Gaya ng pagdaloy ng hamog sa orkidyas, ay gaya rin ng ating pag-ibig, walang direksyon. Tulad ng daloy ng tubig sa pusak na kalupaan, pagsinta nati’y, di malinaw, walang kasiguruhan. Ngunit nagbabakasakali akong isang araw, malalaman mo kung gaano kawagas ang angking pagmamahal. Susugurin natin ang magpakailanman, Basta giliw, mahalin mo lang ako ng lubusan, Weh, Korni no? Pero totoo..

HIGHLIGHT:
“Ang bawat umaga mo’y unti-unting gumagaan, sumisigla. Saan ang pokus? ..sa puso ko namang nasasaktan. Matang nakatitig sa kalangitan, susungkitin daw ang bituin at buwan.“

QUESTION MARK FOR YOU TO BREAK:
“Dapat ka bang maghintay sa taong manhid sa pagpapakita mo ng pagmamahal?”

If you got the message and are Michael enough to break the question mark, then share your thoughts of the above letter and be featured as the next response letter. Just send your letters to lettersformike2012@gmail.com and be yourself read by others who have probably got the same thoughts.

RESPONSE LETTER FORMAT:
Click the link
https://lettersformike.wordpress.com/be-michael/

CREDITS:
Song titled: “Tuwing Umuulan” performed by Jimmy Bondoc

Advertisements

Posted on June 12, 2012, in LETTERS 1-8, LOVE LETTERS and tagged , , , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. This made me smile even though i don’t speak language, thanks xo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: